Sunday, October 3, 2010

What Matters Most

Is love as predictable as the rain?

Akala natin makikilala natin ito kapag nakita natin ito. Minsan, hindi natin alam, natitisod na pala tayo hindi pa natin namamalayang tayo pala'y nagmamahal na.

Magigising ka na lamang isang araw, hindi kumpleto ang araw mo na hindi nakikita ang isang tao. Na kahit magsakripisyo ka ng oras, ng panahon kahit oras na lang na iyong itutulog, OK lang basta't makasama mo lang ang taong iyon. Hindi din ganap ang kasiyahang iyon hangga't hindi mo nauulinig ang malutong na tawa at maaninag ang maamong mukha ng iyong minamahal. At kung paminsan minsa'y ang pagdaop ng inyong mga palad.

Ang bawat sandaling kayo lamang dalawa ang magkasama ay panahong inuukit mo sa iyong memorya. Sinusuong kahit na ang imposible basta't makasama mo lamang siya kahit isang nakaw na gabi. Ang mga lugar na inyong napuntahan ay pilit na binabalik-balikan - sumasakay na mag-uli sa swing sa puno ng mangga, o nagpapalipas ng oras sa parehong bench kung saan kayo sumilong nang umulan nand di ninyo alintana.

Totoo, may mga bagay na masakit tanggapin subalit katotohanan, na minsan ang pagibig ay iisa ang daloy na dinadaluyan. Ang ilog ay bibihirang nagsasalubong. One way ika nga katulad ng mga busy streets. Masakit ngunit kailangang lunukin dahil iyon ang dapat. Bakit mo nga naman ipagsisiksikan ang sarili sa isang salok na puno na?

Sadyang ganyan nga ang buhay at ang buhay ay kailangang magpatuloy. Ang mahalaga, ikaw ay minsan sa iyong buhay ay nagmahal ng tunay. Ang pagibig ay ni minsa'y hindi lumayo, ang tao ang lumalayo sa pagibig. Kaya naman para makalimot, minsan ang paglayo ay dapat at matuwid.

Sabi nga, what matters most is that we love at all. And that love will remain engraven in my heart. Even though we part, as parting is the only way to heal the open wounds that only my heart has, those memories will make the wounds bleed fresh and make me remember once more that sometime, somewhere there was someone to whom this heart has deeply cared for. Wo ai ni. Yo amor usted.



William.♥